Time Management

sarili, Pamilya, Pag-aaral, Kaibigan, Boyfriend/Girlfriend, at marami pang iba. Paano mo napaghahati ang oras mo sa lahat ng ito?

Sarili. Kailangan din natin ng oras sa sarili. Isipin natin na ‘pag hindi tayo naligo hindi lang ikaw maaapektuhan pati ‘yang katabi mo.

Pamilya. Kapag College ka na bihira mo na lang sila makikita. pero paano nga ba magkakaroon ng oras para sa kanila nang hindi naapektuhan ang iba mo pang gagawin?

Pag-aaral. Sa Pag-aaral madami pang Factor yan. hahati-hatiin mo pa yan sa paggawa ng assignments, pagreresearch, pagbabasa,  pakikipagmmeting sa napakaraming iba’t-ibang grupo. Paano ba yan, pag ganyan eh parang 75% ng buhay mo nasa eskwela na.

Kaibigan. Sabi nila ang mga tunay na kaibigan kahit ilang taon mong hindi nakita yan o nakipagbonding d’yan eh kaibigan pa din. Pero isipin na lang natin na mga papansin mga kaibigan natin, syempre ‘pag papansin yan napakademanding n’yan sa oras.

Boyfriend o Girlfriend. (ito ay sa may mga Boyfriend at Girlfriend lang ha) ‘wag na kayong magkaila, demanding kayo sa oras! akala n’yo sa inyo lang iikot ang mundo. totoo naman yan, wag ka ng pakaplastik.

Itong mga Variables na ito ay para sa mga Estudyante pa lamang ha, eh paano kung nagtatrabaho ka na? 8hrs ka sa trabaho tapos magoovertime ka pa, eh pati oras mo sa sarili nawala na! haggarda ka na lang forever.

Paano ba magkakaroon ng balanse sa oras natin? Kanya-kanya din yan, pero kung gusto n’yong malaman kung paano ko nababalanse ang oras ko, simple lang sagot ko. merong 24 hrs sa isang araw.

walong oras. para sa pag-tulog. pwede din na gawin mong lima, sa limang oras kasi ako sanay. so 24-8=16hrs. may labing anim ka pang hatiin iyon sa lahat.

sa isang araw tatlong beses kang kumakain, sabihin natin na one hour yung ginugugol mong oras sa pagkain. 10 Minutes sa sipilyo. 50 Minute sa ligo bihis at ayos. May 2 Hours kang nagugol. so 16-2=14Hrs.

tatlong oras klase mo bawat araw. so 14-3=11hrs

Biruin mo may 11 hours ka pang natitira para makipagmeeting, gumawa ng assignment, makipag-chat sa mga kaibigan habang gumagawa ng assignment, kumain ng breakfast at dinner habang nakikipag-bonding sa pamilya, makipagtext sa Boyfriend habang ginagawa ang mga simpleng bagay.

‘Di ba? napakadali lang mag-manage ng oras kung gagawin mo, hindi yung iisipin mo na palagi kang maraming gagawin. Kasama din d’yan ang pagpapahalaga sa oras, kung alam mong saglit na lang ang oras mag-double time ka kasi hindi ka hihintayin ng oras matapos, hindi hihinto ang oras para lang sa’yo, sa atin. Kaya mga kapwa ko 4th Year College student na graduating na at super BUSY pa, relax lang, may bukas pa.

Goodnight World🙂

 

credits to (for time management photo): https://www.google.com.ph/search?q=time+management&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=W-S2U5KdF8-TuATLuYLoDw&ved=0CAYQ_AUoAQ&biw=1024&bih=509#facrc=_&imgdii=_&imgrc=I_R-XJIN-nw02M%253A%3B44y7l5zfeVK8lM%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.synergyassist.com%252Fwp-content%252Fuploads%252F2012%252F07%252Ftime_management.jpg%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.synergyassist.com%252Ftime-management-tips-for-entrepreneurs%252F%3B480%3B361

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s